Tuesday, February 24, 2009

THESIS: FILIPINO

Ipinasa ni:
Ogatia, Ivan
Banacia, Geraldine
Alviar, Kate
San Felipe, Rachelle
Garcia, Janne
1B-PM

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
EPEKTO NG PAGSALI SA MGA SOCIAL NETWORKING WEBSITES SA MGA PILING 1ST YEAR STUDENTS MULA SA KOLEHIYO NG KOMERSIYO SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS.


I.

A. PANUKALANG PAHAYAG:

Ang pagsali sa mga social networking websites katulad ng Friendster, Multiply at Myspace ay hindi lamang puro pangeenganyo at entertainment dahil may mga mabubuting dulot rin ang mga ito sa pang araw araw na buhay ng tao.

B. INTRODUKSYON:

Ang paksa ng pananaliksik na ito ay ang mailagay ang mga mabubuting epekto at dulot ng mg social networking websites sa buhay ng tao.

Ang mga social networking websites ay madalas na nabibigyan ng mga negatibong kritisismo. Hindi napapansin ng karamihan ang magagandang dulot ng mga ito.

Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa mga social netwoking websites na kasalukuyang higit na tinatangkilik ng mga kabataan ngayon kagaya ng Friendster, Multiply at MySpace. Isa sa aming grupo ng mga kabataanng tomasino na tumatangkilik sa mga social networking websites at layunin ng aming panananaliksik na patunayan na may mabubuting dulot ang mga ito sa pang araw araw na buhay ng tao.


C. REBYU/PAGAARAL:

Mga Batayang Kaalaman sa Social Networking:

A, Kahulugan ng Social Networking:
Ayon sa Wikipedia, ang gawa sa mga o maraming tema tulad ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig, at sexual na relasyon. Ayon naman kina Boyd at Ellison (2007), ang social networking sites ay mga serbisyong pangpublikong nagrerehistro(ayon sa www.gartner .com) na nakapaloob sa isang system, (2) makita ang makita ang mga profile ng mga idibidwal na kasama niya sa system. Idinagdag pa ng mga manunulat na ang SN ay nagiging patok sa publiko dahil pinapayagan nito ang isang indibiwal na makilala ang ibang tao.

B. Maikling Kasaysayan ng Social Networking
Mayroong pag-aaral na ang bawat kompyuter na magkakaugnay ay maaaring maging basehan para sa interaksyong sosyal na ng pagsulong ng kagamitan ng kompyuter sa pakikihalubilo. Ayon sa Wikipedia.org, nagsimula ang pagtayo ng isang websayt kung saan ang mga miyembro nito ay makahahanap ng kanilang mga lumang kaklase maging sa komunikasyon sa pagitan nila. Ayon sa isang University(2007), si Randy Conrads ang gumawa ng websayt na ito. Sa karagdagan, sinabi ng Classmates.com na ng kumpanyang ito ay pinagkikita muli ang mga residente ng Estados Unidos at Canada na siyang naging kamag-aral o kasama nila noong sila’y nagaaral, nagtratrabaho o maging ang mga kasama nila sa militar. Noong taong 1995, nagkaroon ng mahigit kumulang sa 40 milyong tao ang kasali sa SN na ito. Ayon kina Boyd at Nicole, ang pag-unlad ng SN ay nagsimula sa websayt na SixDegrees.com. Sa websayt na ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao na makagawa ng kaibigan. Nakatulong ang SixDegrees sa mga tao para makonekta at makapg padala ng mga mensahe sa mga kaibigan nito. Kahit marami ang naengganyo sa SixDegrees, hindi nila masayadong natatag ang nang mabuti ang komersyong ito kaya hindi rin ito nagtagal. Pagkatapos naman ng Classmates.com, maraming sumunod na SN tulad ng SixDegrees.com noong 1997, LiveJournal.com noong 1999, Friendster.com noong 2002, Multiply.com at MySpace.com sa taong 2003 at ang Facebook.com naman noong 2004.

C. Mga uri ng Social Networking:

1. Friendster
Ayon kay Ronald S. Lim(2007), ang Friendster ay isang pribadong pagmamayaring sayt sa California noong 2002, at, naging pinakapolular na social networking sayt sa Amerika bago ang MySpace sa taong 2004. Bumaba man ang popularidad nito sa Estados Unidos, ang Friendster pa rin ay ang mas pinupuntahan ng mga Asyano .Sa katunayan ng popularidad nito, nakumbinsing dumalaw ang musikerang si Bonnie Bailey na kumanta ng popular na “Ever After” dito sa Pilipinas dahil lamang sa mga komento na iniwan sa kanyang Friendster. Sa kasalukuyan ay may 50 milyong tao na ang tumatangkilik nito. Isa sa mga pinakasikat na gawin sa Friendster ay ang “language options” nito. Dito, maaring pumili sa mga linggwaheng Chinese, simplified Chinese, Hindi, Japanese, Korean, Spanish at Tagalog.

2. MySpace
Ayon kay Paul Marks (2006) lumalaganap na daw ang iba’t ibang uri ng SN at isa na dito ang MySpace. Ang MySpace, na ayon sa OUT-LAW.com (2006), ay ginawa ni Brad Greenspan, ay isang uri ng SN na para sa lahat. Ito ay para sa mga magkaibigang mahilig makipagusap gamit ang iba, mga taong nagtutugma o nagrereto sa kanilang mga kaibigan, mga tao na malayo sa pamilya na gustong makipagkamustahan o makipagusap sa kanilang pamilya, mga negosyante at kanilang mga katrabaho na interesado sa SN, mga magkakaklase at mga kapareha sa pag-aaral, at marami pang iba. Maihahalintulad natin ang myspace sa Multiply sapagkat halos parehas lang ang kanilang mga layunin at mga katangian. Mas kumplikado nga ang ang myspace kumpara sa multiply dahil mas madaming taga ibang bansa ang gumagamit dito. Ito ay naitala na pang anim sa pinaka popular na website at pangatlo ito sa sa Amerika. Sa kasalukuyan, naitala ng MySpace network na mahigit kumulang na 300 milyon na tao ang gumagamit ng SN na ibinabahagi ng MySpace at patuloy pa itong nadadagdagan pa ito araw-araw. Masasabi natin na sa panahon ngaun, ang SN ay isa nang bahagi ng ating buhay dahil din ito sa patuloy na pagunlad ng ating teknolohiya at ang epekto nito sa larangan ng social networking.

3. Multiply
Ayon kay Richard Macmanus (2006), ang Multiply ay isang uri ng social networking na nagbibigay kakayahan sa mga gumagamit nito na mamahagi ng mga uri ng media media tulad ng litrato, video, musika, at iba pa sa loob ng iyong sariling websayt. Ito ay may kakaibang uri ng serbisyong higit sa ibang SN sayt. Dahil nga naturingan itong isang SN, hinahayaan nito ang gumagamit na makipagpalitan ng social networking ay isang istrakturang sosyal nanodes o sa mas madaling salita, mga indibidwal na konektado ng isaweb-baed na nagbibigay sa mga indibiwal para (1) bumuo ng isangprofile, ang tawag sa impormasyong pormal na binibigay kapagprofile ng ibang indibidwal kung saan siya ay konektado, at (3) paracomputer-mediated. Ito ay bungaThe Network Nation ni S. Roxanne Hiltz at Murray Turoff na nagdulot ngsocial networking noong 1995 sasocial network o SN na nagngangalang Classmates.com, isangkindergarden o sa kolehiyo at mapanatili angmedia release ng Oregon Stateprofile, mailista ang mga kaibigan, at ma-surf ang listahan ng mgaInternet, mga taong gustong makipagkilala samedia sa iba’t-ibang kasama niya sa kanyangnetwork makipagtalakayan tungkol sa mga bagay na nagbibigay interes sa kanila. Pinahihintulutan din ng Multiply na ayusin ng gumagamit ang kanyang sariling websayt upang mas maenganyo ang mga tumitingin dito. Anong maganda sa pamamahagi ng media kung wala naman titingin dito? Isang tanong na sinolusyonan ng Multiply. Ang Multiply ay anng may kakayahang ibalita sa mga kasama sa iyong sariling SN kung may bago kang inilagay sa iyong sariling Multiply din sayo, ipinapakita din nito sa gumagamit kung merong mga bagong lagay na mo sa iyong social network. Sa kabuuan, ang Multiply ay isang SN sayt na nangingibabaw sa ibang uri ng SN dahil sa iba’t-ibang bagay na nag-aangat dito sa iba pang maliliit na SN. Hindi tulad ng maliit na Multiply ay laganap sa buong mundo. Ibig lang nitong sabihin ay hindi lang tayong mga Pilipino ang gumagamit nito kundi pati rin ang mga kapatid natin sa iba’t-ibang lugar sa buong mundo.


D. Mga kagamitan para magkaroon ng Social Networking:

1. Kompyuter
Ayon sa Wikipedia, ang kompyuter ay isang uri ng mekanismong ang ginagawa ay mangasiwa ng mga datos ayon sa mga panuto. Sa karagdagan, ang programa na isang termino sa pagiimbak at pangangasiwa ng mga panuto ay isang katangian ng kompyuter.Isang magandang katangian nito ay ang pagsasa-ayos ng mga impormasyon sa iba’t ibang lugar. Ang kompyuter network na nabuo ay itinawag na internet. Isa sa gamit ng computer ay ang pagkonekta nito sa internet sa pamamagitan ng telepono. Sa pamamagitan ng koneksyon sa Internet, maaaring makapasok o makapagbigay daan sa mga website na may kinalaman sa social networking.

2. Internet
Ang Internet na kilala ring “information superhighway” ay malawakang pang madlang daan na pinagsama-samang kompyuter. Maaari silang magpalitan ng impormasyon oaccount. At ganunmedia o kung anung bagay sa mga iba’t ibang tao na kasamanetworks na ito, angnetworks na naghahatid ng datos sa pamamagitan ng pocket switchingna gumagamit ng pamantayang “network of networks” na binubuo ng milyon na maliliit na larangan ng pantahan, pampaaralan, pangangalakal, pampamahalaan at sosyal na nagdadala ng iba’t ibang impormasyon at paglilingkod katulad ng pinagdugtongdugtong na web pages at iba pang mapagkukunan ng impormasyon ng gumagamit ng Internet Protocol(IP). Ito ay isangnetworks sae-mail, online chat, file transfer o paglipat ng salansanan atWorld Wide Web. Maraming tao o kumpanya angweb logs o blogs na pangkaraniwang ginagamit bilangonline diaries Internet sa pagpapalawak ng social networking. Sa pamamagitan ngo talaarawan. Mahalaga ang ginagampanang papel ngInternet kasangkapan para maiproseso ang SN.

3. E-mail address
Ang email, mula sa salitang elektronik isinusulat na pagpapadala, pag-iimbak at pagtanggap ng mga mensahe sa paraan ng systemang elektronik na komunikasyon. Ayon sa Wikipedia, ang terminong nakakagawa ng e-mail address na isa rin sa mahalangmail, ay kadalasan naemail, e-mail o mail, ay isang paraan ng paggawa,email ay naaplika sa sistemang Internet email base sa Simple Mail Transfer Protocol pinahihitulutan ang mga manggagamit sa loob ng isang organisasyon na iemail ang bawat isa. Ang email ay karaniwang ginagamit upang magpadala ng mga di-inaasahang mga mensahe, ngunit may mga programa na may kakahayan na automatikong magbura ng mga ito. Ang e-mail address ay kinakailangan para maging kasapi sa isang SN na websayt. Dito ipinapadala ang mga impormasyon tulad ng mga paalala tungkol sa isang kaibigan. Kinakailangan din ng isang kasapi na magbigay ng password kaugnay ng mapangalaagan ang kanyang pagiging kasapi sa isang SN.

E. Mga proceso sa paggawa ng Social Networking Account:

1. Friendster
Sa paggawa ng isang diksyunaryo ng Merriam-Webster ay lipunan ng mga pormal na usaping kalakaran para sa isang serbisyo, simulang bisitahin ang http://www.friendster.com at hanapin doon ang pindutin. Katulad ng sa makagawa ng iyong sariling mga detalye na magbibigay paraan upang magamit ng isang tao ang isang serbisyo. Pagkatapos mapunan ang aplikasyon ay buksan ang Maraming mga katangian ang Friendster na nagpapaiba dito sa ibang mga programang pangsocial networking. Ito ay nagtataglay ng pakikibahagi sa isang komunidad ng mga tao. Pwede kang mag-upload ng mga litrato ng iyong sarili upang maibahagi ito sa iba, magbigay ng komento o testimonial sa ibang tao at pati na rin ang pagbibigay ng mga pribadong mensahe sa iyong mga kaibigan.

2. Multiply
Katulad ng Friendster, bisitahin ang http://www.multiply.com at gumawa ng sariling account. Buksan ang nagawang account at magsimulang mag-(SMTP) at sistemang Intranet naemail address paraaccount, na ang ibig sabihin ayon sa online nahyperlink na Sign Up at ito’ye-mail, pupunan mo ang isang aplikasyon upangaccount, na ang ibig sabihin ay isang lipunan ngaccount.uploadng mga litrato na gustong ibahagi sa iyong mga kaibigan o sa ibang mga tao. Katulad ito ng Friendster ngunit limitado ka lang sa pamamahagi ng iyong mga litrato at dito nagaganap ang malawakang social networking

3. MySpace
Sa paggawa ng MySpace account, bistahin ang http://www.myspace.com kung saan kagaya ng mga nauna ay makakakita ka ng isang aplikasyon sa paggawa ng sariling account. Pagkatapos gumawa ay buksan ito. Maraming pinagkatulad ang Friendster at MySpace ngunit ang nag-iibayo sa lahat ay ang kakayahan ng MySpace na makipaghalubilo sa buong mundo maging ikaw ay magpunta sa iba’t ibang bansa.


Mga ibinunga ng Social Networking:

Ang Internet ay isang “social space” na kung saan naghahalo ang kalayaan at ang mga mas tradisyunal na sistemang sosyal. Dahil sa kombinasyong ito, ang mga pamilyar at di-kilalang kondisyon ay nagiging isang potensyal na pagbabago sa ugali’t kultura, online man ito o hindi.

1. Epekto sa Sarili
“Acting Out”
Dahil ang Internet ay isang sosyal na midyum, ito ay nahihiligan ng mga mapag-usapan ang isang isyung pangmadla o kilala rin bilang social networking.online manteenagers bilang isang bagay o maaaring pangyayari upangforumpara ipakita ng kontra-sosyal at palabang ugali. Kadalasan, ang komunikasyon sa
mga insulto, mga mura, at agresibong pananalita. (Wallace,2000). Marahil ang kakayahan na lumabas sa isang pag-uusap sa Internet ay nauugnay sa madalas na paggamit ngInternetang dahilan ng pagdami ng mga gawaing ito. Ito ay pwedeng iwan ng kung sinuman na nagsulat ng masamang komento sa pamamagitan ng
paglo-log off. Sa karagdagan, ang SN ay nagdudulot ng adiksyon sa sarili at ito ay ipinapakita sa dalawang klase ng gumagamit ng Internet, anglogoff.dependent gumugugol ng 39 oras sa Internet para sa sosyal na pakikipag-usap at pakikihalubilo. Samantala, ang ng 5 oras para sa malungkot, binubukod, o walang kakahayan sa larangang sosyal ang apektado ng adiksyong ito. Marahil ito ang nagbibigay ng kung anong
wala sila sa totoong buhay. Sa mga nasabi ni Young, makikita pa rin na mas mahina itong adiksyon na ito kung ikukumpara sa mga lasenggo o durugista.

2. Epekto sa Pamilya
"Pagbukod at Depresyon"
Dahil sa pagiging sapat ng relasyon sa na pakinabang at disadbentahe ng internet ay kaduda-duda. Ayon kay Kraut at kanyang mga kasamahan (1998), sa isang longitudinal na pag-aaral sa 73 pamilya, nalaman nila na ang paggamit ng Internet ay may kinalaman sa pagtaas ng depresyon at pagdalang sa ugnayan sa mga kaibigan at pamilya.

3 Epekto sa Lipunan
Maraming epekto ang SN sa lipunan. Una, mas malalaman ng mga ibang mga komunidad. Sa karagdagan, nagkakaroon ng pagtaas ng kamalayan at oportunidad sa mga binubukod na grupo at sumasali sa SN. Mas magkakaroon sila ng kaalaman sa mga ibang kabataang tulad nila. Mayroon rin itong mga masasamang epekto, isa na dito ay ang pagtaas ng aktibismo na tutungo sa aksyong sosyal. Isama pa natin ang mundo at mahirap tugisin. Ayon sa ulat ng CSI/FBI Computer Crime and Security(2000), sinasabi na 79% ng mga empleyado ang umaabuso ng Internet sa Estados Unidos at isa sa mga abusong ito ay ang na ginawa ng NOL respondenteay humihiling ng karagdagang control upang maiwasan at panloloko, pornograpiya at pedopilya.at independent. Ayon kay Young(1996), ang dependent ayindependent naman ay kumokonsumonetsurfing o e-mail lamang. Kadalasan ay ang mgaInternet, ang mga potensyalteenager ang mga pangyayari sa kasalukuyan at sa mundo sateenagers na parte ng mgacybercrime na ayon sa isang report ng BBC, ay laganap sa buongpagdownload ng pornograpiya. Sa karagdagan, sa isang sarbeypoll ng ICM, sinasabing halos lahat ng respondete ay humihiling ng karagdagang control upang maiwasan at panloloko, pornograpita at pedopilya.



D. LAYUNIN:

Sa pagsisimula na pagaaral na ito, nais naming malaman ang epekto sa pagsali ng iba’t ibang tao mula sa mga 1st yr na galing sa Kolehiyo ng Komersiyo ng Unibersidad ng Santo Tomas sa napapanahong penomena sa pagsali sa mga social networking websites. Sa tulong ng aming pananaliksik at pangangalap ng mga datos ay nais naming maipakita:

Pangkalahatan:

Para malaman kung ano ang epekto sa mga kabataan na sumasali sa mga social networking websites at bakit patuloy itong mabilis na nadadagdagan ang bilang nito.

Tiyak:

1. Para malaman kung ilan ang kadalasang kasarian na gumagamit sa mga social networking websites.
2. Para maobserbahan ang kadalasan na ginagamit na social networking website, ang oras na iginigugugol ditoat mga personal na impormasyon na ibinabahagi nila dito.
3. Para malaman kung ang social network site nila ay pribado o pampubliko, ang kadahilanan sa pagpili nito at posibleng maging bunga nito.
4. Para malaman kung ang pananaw at kung “aware” ang mga estudyante sa kasalukuyang umiiral na problema tungkol sa panloloko gamit ang social networking websites.
5. Para maisalin namin ang aming talino, sipag, tiyaga at pagiintindi habang ginagawa ang pag aaral na ito.

E. HALAGA:

Ang mga social networking websites ay naglalarawan ng isang malaking indikasyon na iba na ang henerasyon ngayon. Ito ay isa sa mga pinakapopular na dinadayo ng mga kabataan sa internet ngayon dahil maraming factors ang nakakapag udyok sa kanila kaya naman nadadagdagan ang sumasali sa mga social networking websites halos araw araw. Marami ang naidudulot na maganda ng mga social networking sites na ito sa kanilang pakikipaghalubilo sa mundong virtual. Bagama’t alam ng mga kabataan ngayon ang maaring maidulot sa kanila ng pakikipaghalubilo sa iba’t ibang uri ng tao, ipinagpapatuloy pa rin nila ang pagiging aktibo sa mga social networking sites na ito sa kadahilanang nakikita nila at napipapakita nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng mga ito. Itinuturing ng mga kabataan ngayon ang social networking bilang isang “social trend” na humahatak sa bawat estudyante na gumawa ng kani-kanilang sariling account. Marami ring masamang naidudulot ang pagkakaroon ng account sa mga social networking sites sapagkat nawawala ang seguridad ng mga estudyante at maari silang masangkot o mabiktima sa mga di kanais-nais na tao na mayroon ding account sa social networking sites. Sa lahat ng mga nasabi, mayroon ngang maganda at masamang epekto ang pagkakaroon ng accounts sa mga social networking sites ngunit sa aming mga nakalap na impormasyon, mas nakikita ng mga estudyante ang mabuting epekto nito sa kanila at sa kanilang mga kaibigan, kapamilya at iba pa. Masasabi naming nagtutugma ang aming mga datos upang ipakita na ang social networking sites ay mahalaga nga sa mga kabataan ngayon at ang mga benepisyo nito sa kanila ay kanila namang nararamdman kaya naman padami sila ng padami.


F. THEORETICAL FRAMEWORK:

Sosyalismo - Ang teorya ng sosyalismo ay tumutukoy sa malawak na sistema ng teoryang ekonomiko ng panlipunan organisasyon na nagtataguyod sa estado o sa sama-samang pagmamay-ari o pamamahala sa paggawa at pamamahagi ng mga kagamitan, at ang lipunan ay kilala sa pagkakaroon ng pantay pantay na pagkakataon sa lahat ng indibidwal na may patas o igualitaryang pamamaraan ng pasahod. Halos magkaparehas lang sila ng teorya ng sosyolohikal.


G. METHODOLOGY:

A. Instrumento
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng isang sarbey na naglalaman ng sampu na mga katanungan na maaaring open o close ended. Ang close ended na mga katanungan ay naglalaman ng kwantitatib na mga sagot. Sa karagdagan, ang mga uri ng mga katanungan na ginamit ay ang ang mga posibleng sagot at ordinal na siya namang katanungang nagbibigay ng pagkakasunud- sunod. Sa kabilang dako naman, ang open o close- ended.close- ended na mga katanungan ay naglalaman ng kwantitatib naclose-ended namultiple choice kung saan mas limitadoopenendedna mga katanungan ay ginagamit kung ang sariling salita ng tagatugon ay ay kinakailangan. Ito ay karaniwang tinatawag na “breaking the ice” na mga tanong. Dahil ang sariling salita ng tagatugon ang kailangan, ito ay nagiging kwaliteytib na mga tanong.

B. Respondente:

Ang naturang sarbey at ipinamahagi sa 50 na mga tagatugon na kinabibilangan ng mga sumusunod na pamantayan:

A.) Isang kolehiyo na magaaral mula sa Unibersidad ng Santo Tomas
B.) Mula sa Kolehiyo ng Komerrsiyo
C.) 1st yr na mag aaral

H. SAKLAW/DELIMITASYON:

Saklaw:

Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy lamang sa magandang epekto na naidudulot ng networking websites na kagaya ng Friendster, Facebook, Multiply at iba pa sa mga 1st yr na mag-aaral ng Kolehiyo ng Komersiyo sa Unibersidad ng Santo Tomas, Dahil sa panahon ngayon na maraming nagbibigay na negatibong kritisismo sa mga networking websites napili ng aming grupo na ipakita ang mga magandang epekto anito sa mga buhay ng mga piling mag-aaral sa aming Kolehiyo. Kasama rin dito ang magandang naidudulot nito sa kanilang koneksyon sa kanilang mga kaibigan, pamilya at lipunan.

Delimitasyon:

Ang hangganan ng pananaliksik na ito ay hindi tinatalakay ang iba pang mag-aaral ng iba't ibang kolehiyo sa Unibersidad ng Santo Tomas. Hindi rin inaalam ng pananaliksik na ito ang nagiging dahilan ng pagkahumaling sa pagsali sa mga networking websites.

I. DALOY NG PAGAARAL:

Ang paksa na "EPEKTO NG PAGSALI SA MGA SOCIAL NETWORKING WEBSITES SA MGA PILING 1ST YEAR STUDENTS MULA SA KOLEHIYO NG KOMERSIYO SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS" ay naglalayon na ipaalam sa lahat ang mga magagandang epekto nito lalo na sa mga nagbibigay ng kritisismo rito.

Inaalam ng mga pananaliksik na ito kung anu-ano ang mga nagiging magandang epekto nito sa mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Komersiyo sa Unibersidad ng Santo Tomas at kung paano ito naapektuhan ang kanilang relasyon sa kanilang pamilya, kaibigan at lipunan.

Pagkatapos makalap ang mga impormasyon ay ipapakita na ng mga mananaliksik ang mge epekto at papatunayan na ang mga networking websites ay hindi puro lamang negatibong kritisismo at epekto ang maaring makita sa pagsali sa mga networking websites kagaya ng Friendster, Multipl at Facebook ang ilan sa mga nabanggit.


II.

A. INTRODUKSYON:
Ang pag-aaral ay tungkol sa epekto sa kabataan sa pagsali sa mga social networking websites. Ang papel ay naglalarawan sa pananaw, kaugalian, at ideya ng mga piling 1st yr na mag-aaral sa Kolehiyo ng Komersiyo sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ang ginamit na instrumentong ginamit ng mga mananaliksik ay isang sarbey na naglalaman ng mga open at close- ended na mga katanungan tungkol sa ideya at pananaw ng mga mag-aaral sa pagsali sa mga social networking websites. Sa lumabas na resulta ng mga datos, lumalabas na malaking porsiyento ang nagsasabing higit na nakakabuti ang paggamit nito at ang mga pangkaraniwang dahilan ay ang pakikihalubilo at pagpapakita ng sariling identidad. Mas naging matimbang ang mabuting epekto nito sa kabila ng masasamang epekto nito tulad ng mga kumukuha ng identidad o impormasyon at pornograpiya. Lumabas rin sa pag-aaral na ang kanilang malawak na kamalayan sa seguridad. Ito ay dahil sa mga karanasan ng kanilang mga kaibigan o kaya ay sa sariling kaganapan sa kanilang buhay. Isa pang dahilan ay ang mga lumalabas sa media na naging impluwensyal sa pananaw at desisyon ng tao.

B. DATOS NG RESEARCH:

III.

A. PAGSUSURI:

B. KONKLUSYON:
Sa pagwawakas ng aming pananaliksik tungkol sa pagsali mga Social Networking Websites, nais naming ilahad ulit ang mga pag-aaral mula sa mga nakalap naming mga datos. Ang mga datos ay ikinumpara sa aming review of related literature. Ang pag-aaral na aming isinagawa ay ang paraan ng pagkuha ng pananaw ng mga piling 1st yr na mag-aaral sa Kolehiyo ng Komerisyo sa Unibersidad ng Santo Tomas sa pamamagitan ng sarbey. Ang sarbey na ito ay naglalaman ng mga open-ended at closed-ended na mga tanong para malaman naming ng lubos ang pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa Social Networking. Pagkatapos ng pangangalap ng mga datos, ang mga ito ay aming pinagaralan at sinuring mabuti. Sumunod na hakbang ay ang pag-iinterpreta ng mga ito, nang hindi mahirapan, kami ay gumawa ng mga bahagdan upang mapadali ang interpretasyon ng mga datos. Ito ang buod ng aming pag-aaral: Una sa lahat, inasahan na napakalaking porsyento ng mga mag-aaral ang may kaalaman at gumagamit sa Social Networking Site. Isang simpleng dahilan ng pagkakaroon ng bawat kabataan o kahit mga matatanda ng Social Networking Site ay upang makihalobilo sa ibang tao sa internet. Ikalawa, sa mga uri ng Social Networking Sites, may kanya-kanya ring preperensya ang mga tao, higit na ginagamit at may pinakamaraming myembro ng mga mag-aaral ang Friendster, sunod ang Multiply, at panghuli naman ang Myspace. Ito ay tumugma sa mga unang mga pag-aaral sa Social Networking, na ang Friendster ay ang siyang pinakapopular na Social Networking Site sa Pilipinas. Susunod, kaunti lamang ang oras na inilalaan ng mga mag-aaral sa pagpunta sa mga Sites na ito. Ibig sabihin nito ay hindi nila inilalaan lahat ng oras nila ditto na nagbibigay daan sa mga mas mahahalagang bagay pa sa kanila gaya na lamang ng pag-aaral at pakikihalubilo sa pamilya at mga kaibigan nila.Nagiging maingat din ang mga higit sa mga mag-aaral sapagkat nililimita lamang nila ang mga impormasyon na kanilang inilalathala sa internet, hindi nagiimbita ng mga taong hindi nila kilala at hindi nila binabalak na makipagkita sa mga taong nakilala sa internet lamang. Karamihan sa mga mag-aaral ay gumagamit ng pribadong profile at higit sa kanila ay may kaalaman na maaari silang mabiktima ng mga manloloko kaya’t alam nila ang mga dapat gawin upang ito’y hindi mangyari. Naitanong din namin kung may ayaw sila sa mga Social Networking Sites na ito. Kakaunti lamang ang sumagot na mayroon silang ayaw sa mga sites na ito, karamihan sa mga dahilan ay ang pagkakaroon ng madaming manloloko, talamak na pornograpiya at mga hackers. Konti lamang sa tingin namin ang may ayaw, sapagkat mayroon naman paraan upang malimita ang mga impormasyon na puwedeng ilathala ng mga indibidwal sa internet. Ito ay nakasalalay na lamang sa pag-iingat ng bawat indibidwal sa mga impormasyon tungkol sa kanilang mga sarili. Sa kabuuan, ang Social Networking ay may higit na mabuting naidulot sa mga mag-aaral. Napapalawak ng mga sites na ito ang kaalaman ng mga mag-aaral. napagtitibay ang relasyon sa mga magkakaibigan, nakahahanap ng bagong mga kaibigan, napagbubuti ang buhay sosyal ng bawat tao, nagtatagpo ulit ang mga dating mga kaibigan na matagal ng walang komunikasyon sa isa’t-isa at higit sa lahat, naipapahayag ang sariling idea at pananaw sa buhay sa buong mundo.

C. REKOMENDASYON:

Imunumungkahi ng mga manunulat na higit na mapaghusay pa ang kanilang pag-aaral sa larangan ng Social Networking sa kadahilanang nais pa nilang higit na maunawaan ang mga mabubuting implikasyon na Social networking. Nais din irekomenda ng mga manunulat ang ilang mga dapat na gawin upang makaiwas sa mga manloloko. Isa sa mga dapat gawin dito ay ang pag-iingat sa mga impormasyon na nilalathala sa iyong network. Ito ay makakatulong upang higit na mas mapaganda ang pag gamit ng social networking. Para higit na mas mpagtibay ang mga datos na nakalap, dapat din tagalin ang limitasyon sa mga tagatugon. Sa mga gusto pang ipag patuloy ang pag-aaral tungkol sa social networking, nais ng mga manunulat na payuhan ang mga magaaral na huwag limitahan ang social networking sa isang aspekto lamang at huwag din limitahan ang kanilang mga tagatugon.

2 comments:

  1. Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete